BUHAY DRAYBER
Pangalan: Dana Leigh Carlos
Pamagat: Saan po?
Degri: BS Biochemistry
INTRODUKSYON
Makikita natin kung gaano kalaking epekto sa buong mundo lalo na sa ating lipunan ang pagkakaroon ng mga sasakyan o mga gamit pangtransportasyon. Marami klaseng transporasyon ang laganap dito sa ating bansa. Mayroong traysikel, dyip, pedicab, bus, lrt at mrt, fx, taxi at ang lumang –luma ng kalesa. Sa pag-aaral na ito, ang pokus ay para sa mga tricycle drivers. Maraing uri ng tricycle sa buong mundo. Merong mukhang bisikleta na dinagdagan lamang ng isang gulong na karaniwang ginagamit ng mga kabataan at matatandang mahilig mamasyal. Meron din namang motor na kinabitan ng mga upuan sa gilid na kahawig ng isang pedicab. Maituturing rin itong mas mataas ng porma ng isang pedicab. Ito ang klase na kilala sa ating bansa. Madalan rin itong makita kahit saan mang sulok ka ng Pilipinas. Maituturing na isang marangal na trabaho ang pagiging isang tricycle drayber. Sa kabila ng mababang tingin sa kanila ng ibang mga tao dahil sinasabing mababa ang klase ng kanilang trabaho, hindi maitatanggi na sila ay parte ng mga pinakaimportanteng tao sa ating lipunan. Marami rin silang mga problemang nararanasan tulad ng sa pamilya, pera, pagkakaroon ng sakit, at iba pa ngunit hindi ito naisasaisip ng nakararami sa atin. Nagsisimula silang magtrabaho mula madaling araw pa lamang hanggang hatinggabi na. Bagaman mahirap ang ganitong gawain, tuloy pa rin sila sa pagtatrabaho upang mabuhay ang kanilang pamilya. Inaamin nila na mahirap rin ang ganitong hanapbuhay ngunit kailangan daw nilang ito para sila ay makaraos. Karamihan sa kanila ay may mga anak na nag-aaral at ang mga asawa ay umaasa lamang sa kanilang mga kinikita. Hindi sapat ang kanilang mga kinikita sa pang-araw-aeaw nilang gastusin dahil kung minsan ay dahil sa maraming kakumpetensiyang ibang mga traysikel drayber at karamihan ay nagbabayad pa ng mga boundary. Pagkain, edukasyon ng mga anak, maintenance at gas ng traysikel ay ang mga kadalasang pinaggagastusan nila. Ang malaking porsyento ay nalalaan para sa pagkain at edukasyon. Makikita na mahirap ang pag-budget nito lalo na kung ang iyong kita ay hindi masyadong kalakihan. Bukod din sa problemang ito, nakararanas rin sila ng mga sakit sa katawan. Kadalasan raw ay dahil sa pagod at pagiging exposed sa usok at maruming kapaligiran. Nakakakita at nakararanas din sila ng mga kaguluhan at pandaraya. Ang isang drayber at nakakita ng mga nag-aaway sa drayber sa kanilang terminal. Meron rin namang mga pasaherong mandaraya na kulang magbayad o kaya'y minsan hindi na nagbabayad. Meron ring mga traysikel na imbis na pang-special lamang ang sakay, kumukuha ng pang-animan na biyahe. Minsan ay ito ang nagdudulot ng mga kaguluhan sa kanila. Tila mahirap ang pagiging isang traysikel drayber. Sinasabi nila na kahit alam nilang mahirap at nakakapagod ang ganitong trabaho, wala na rin silang ibang pwedeng gawin dahill ito lang rin ang kanilang tanging alam. Sapat na rin sa kanila ito dahil nakakatulong naman ito sa kanilang buhay. Patuloy rin daw sumakay ang mga tao ng mga traysikel para sila ay kumita. Nagpapasalamat rin sila sa kanilang mga pasahero dahil sa patuloy na pagtangkilik sa mga traysikel. Makikita natin kung gaano kahirap ang kanilang buhay, kung gaano sila nagpupursigi para lang mai-ahon ang kanilang pamilya at makapagsilbi sa lipunan, kung gaano kalaking panahon ang kanilang nailalaan sa pagtatrabaho at nawawalan na sila ng panahon para sa kanilang pamilya at kung paano nila mapapagkasya ang kanilang kita para sa lahat ng pangangailangan ng kanilang pamilya. Tunay nat maituturing natin ang mga tricycle drayber ng ating bayan na mga bayani o modelo para sa lahat.
POKUS NG PAKSA
- Ang mga problema ng isang traysikel drayber ukol sa pamilya, kung gaano kalaking panahon ang nailalaan para sa trabaho (working hours), kita sa pang-araw-araw, budget, at mga problemang pangkalusugan.
- Ang research na ito ay tumatalakay kung paano ginugugol ng isang tricycle drayber ang kanyang mga oras sa isang araw at kung paano nila hinaharap ang mga probelma sa pang-araw-araw.
Tritanium Properties | Company Connections - The Industrial
ReplyDeleteTritanium Properties. dewalt titanium drill bit set Trademark of Tritanium Properties, Inc. Description. Tritanium womens titanium wedding bands Properties, Inc. is titanium white a titanium grey trademark of Tritanium Properties, Inc. titanium dioxide in food